Sino ba ang kapwa mo? Sila ba yung haya-ay ang buhay o sya ba yung laging handang tumulong sa inyo? Naalala ko tuloy yung kantang kinalakihan ko sa batibot.
🎶Kilala nyo ako
Kilala nyo ako
Ako’y isa sa kapitbahay
Kapitbahay ninyo. 🎶
Meron din naman tayong kapitbahay na laging nangungutang. Kilala ka Lang pag may kailangan. May kapitbahay ka din na kaaway mo, dahil bad trip sya nung dumaan ka nag-away tuloy kayo. Kapitbahay mo din yung ibat-ibang relihiyon. Sa isang kalsada nanjan ang INC, born again, iba’t ibang iglesia, di mabilang na pagkatok ng mga mormons, at ang madaming katoliko. Sa jeep naman may mga taong di mo kilala, sosyal, pasosyal, yagit, nagyayagit-yagitan, mayaman, mahirap. Sa kalsada naman mga usisero, mga batang rugby, masasamang taong naghihintay ng bibiktimahin, may mga mababait na tao at bata din naman.
Pero sino ba talaga ang kapwa mo?
Nang umakyat na si Jesus sa langit halos lahat ng nakasulat sa Bibliya ang sinasabi ay mahalin natin ang ating kapwa o sa english love your neighbor.
Nakasulat yan sa:
Santiago 2:8
Mabuti ang inyong ginagawa kung tinutupad ninyo ang utos sa kaharian ng Diyos, ayon sa Kasulatan, “Ibigin mo ang iyong kapwa gaya ng pag-ibig mo sa iyong sarili.”
1 Juan 3:23
Ito ang kanyang utos: sumampalataya tayo sa kanyang Anak na si Jesu-Cristo, at magmahalan tayo gaya ng iniutos ni Cristo sa atin.
2 Juan 1:5
At ngayon, Ginang, ako’y may hihilingin sa iyo. Hindi isang bagong utos ang isinusulat ko sa iyo kundi ang dating utos na sa simula pa’y nasa atin na: mag-ibigan tayong lahat.
Ilang Lang yan sa mga verse sa bible tungkol sa kagustuhan ni God na magmahalan tayo. Tapos ipinaliwanag din ni Juan kung ano ang ibig sabihin ng pag-ibig o pagmamahal.
2 Juan 1:6
Ito ang utos na ibinigay sa inyo noon pang una: mamuhay kayo ayon sa pag-ibig. At ito ang kahulugan ng pag-ibig na binabanggit ko: mamuhay tayo nang ayon sa mga utos ng Diyos.
Simple lang nga naman. Kung susundin natin ang utos ng Diyos hindi tayo gagawa ng masama laban sa ating kapwa. Dahil dyan igalang natin ang Dyos at magmamahal tayo sa ayaw at sa gusto natin. World Peace! Ang sarap yata mabuhay ng walang giyera. Tahimik at hindi tayo natatakot. Ang hirap kaya maging refugee, tumatakas sila sa mga bansa nila ng puno ng takot dahil sa giyera tapos iiwanan nila lahat ng meron sila pati na bahay nila.
Ang gulo ng mundo ngayon noh?! Bakit nga ba? Simple lang hindi natin sinunod ang utos sa atin ng Diyos.
Sino naman ang kapwa natin? Di ba kapwa ko mahal ko. Across the board ba ang kapwa?
Noong nabubuhay si Jesus dito sa lupa sinabi Nya na mahalin natin ang ating kapwa kagaya ng pagmamahal natin sa ating sarili.
Mark 12:31
Ang pangalawa ay ito, Iibigin mo ang iyong kapuwa na gaya ng iyong sarili. Walang ibang utos na hihigit sa mga ito.
Sino nga ba ang kapwa natin?
May naglakas ng loob na magtanong Kay Jesus kung sino ang kanyang kapwa. Sinagot yan ni Jesus sa ‘Ang Mabuting Samaritano.’
Luke 10:25-37
May eskribang lumapit kay Jesus upang siya’y subukin. “Guro,” aniya, “ano ang dapat kong gawin upang magkamit ng buhay na walang hanggan?” Sumagot si Jesus, “Ano ang nakasukat sa Kautusan?” Ano ang nababasa mo roon?” Tumugon sya, “Ibigin mo ang Panginoon mong Diyos nang buong puso, nang buong kaluluwa, nang buong lakas, at nang buong pag-iisip’; at, “Ibigin mo ang iyong kapwa gaya ng iyong sarili.'” “Tama ang sagot mo,” wika ni Jesus. “Gawin mo iyan at mabubuhay ka.”
Sa hangad ng eskriba na huwag siyang lumabas na kahiya-hiya, tinanong niya uli si Jesus, “Sino naman ang aking kapwa?” Sumagot si Jesus: “May isang taong naglakbay buhat sa Jerusalem, patungong Jerico. Hinarang siya ng mga tulisan, kinuha pati damit sa katawan, binugbog at halos patay na nang iwan. Nagkataong dumaan doon ang isang saserdote at pagkakita sa taong nakahandusay, siya’y lumihis at nagpatuloy ng kanyang lakad. Dumaan din ang isang Levita, ngunit tiningnan lamang niya ito at nagpatuloy ng kanyang lakad. Ngunit may isang Samaritanong naglalakbay na naparaan doon. Nakita niya ang hinarang at siya’y nahabag. Lumapit siya, binuhusan ng langis at alak ang mga sugat nito at tinalian. Saka isinakay ang tao sa kanyang sinasakyang hayop, dinala sa bahay-panuluyan, at inalagaan doon. Kinabukasan, dumukot siya ng dalawang denaryo, ibinigay sa may-ari ng bahay panuluyan at sinabi, ‘Alagaan mo siya at kung magkano man ang kakulangan niyan, babayaran ko sa aking pagbabalik.’ Sino ngayon sa palagay mo ang nagpakita ng kanyang pakikipagkapwa sa taong hinarang ng mga tulisan?” tanong ni Jesus. “Ang nagpakita ng habag sa kanya,” tugon ng eskriba. Sinabi sa kanya ni Jesus, “Humayo ka’t gayon din ang gawin mo.”
Definition of terms:
Saserdote – Pari
Levita – descendant ni Levi, pangatlong anak ni Jacob at Leah.
Samaritano – mga nakatira sa northern kingdom ng Israel, ang kanilang kanuno-nunuan (ancestry) ay magkahalong Hudyo at pagano.
Naisip ko bakit ba gusto ko malaman kung sino ang kapwa ko. Malinaw sa kuwento ni Jesus na dapat tayo ang makipagkapwa-tao. Hindi tayo dapat mamili ng tutulungan o pakikitaan ng pagmamahal.
Hindi din naman limited ang pagtulong sa mahihirap. Kahit sa pamilya mo, kamag-anak mo, o kaya in-laws mo pwede ka makipagkapwa-tao. Hanggang may nangangailangan tulungan natin.
Tayo ay gawa sa pag-ibig ng Dyos.
Spread the love!